The Bitter Wine ✍️
Dalawang beses na inalok ng alak si Hesus habang Sya ay nasa krus. Tinanggihan Niya ang una, ngunit tinanggap nya ang ikalawa. Bakit kaya?
Tradisyon ng mga Romano na bigyan ang nasasakdal ng isang alak na may halong narkotikong gamot. Ito ay upang magsilbing anaesthesia or pampamanhid. Layon nitong maibsan ang kirot o hapdi na nararamdaman ng mga taong pinahirapan. Ito ang UNANG alak na inalok kay Hesus. Tinanggihan NYA itong inumin. Bakit?
Dahil pinili ni Hesus na damhin at yakapin ang lahat ng sakit, hapdi, sugat at kirot na dinaranas NYA nang buong diwa at buong malay.
Matthew 27:34 - "Ibinigay nila sa Kaniya ang suka na inumin na may apdo, at nang matikman Niya ay hindi Siya uminom".
Mark 15:23: 23 - At Siya'y dinulutan nila ng alak na hinaluan ng mirra: datapuwa't hindi Niya tinanggap.
Sa ikalawang pagkakataon ay inalok ng alak si Hesus habang nakabitin sa krus..
Mark 15:36 - "At tumakbo ang isa, at binasa ng suka ang isang espongha, saka inilagay sa isang tambo, at ipinainom sa Kanya, na sinasabi, Pabayaan ninyo; tingnan natin kung paririto si Elias upang Siya'y ibaba".
Kung ang unang alak na inalok ay para maibsan ang sakit na nadarama ni Hesus, kabaligtaran naman ang sa ikalawa. Ang epekto ng IKALAWANG alak ay upang panatilihin Siyang gising at may malay para mas mapaigting pa o mas higit Nyang maramdaman ang lahat ng sakit, kirot at hapdi sa Kanyang katawan habang nakabitin sa Krus. Ito ang alak na ininom ni Hesus.
Nang panahong iyon, karamihan sa mga taong nakabitin sa krus ay iniinom ang UNANG alak na binibigay sa kanila upang hindi nila maramdaman o maging manhid na ang kanilang katawan sa sakit ng pagpaparusa sa kanila habang tinatanggihan naman nila ang IKALAWANG alak para hindi na humaba pa ang kanilang paghihirap sa krus. Ngunit kakaiba talaga si Hesus dahil tinanggihan Nya ang unang alak at tinanggap naman ang ikalawa. Bakit nga ba?
PAG-IBIG. Nang dahil sa pag-ibig Nyang dakila sa atin, kapakanan pa rin natin ang iniisip ni Hesus. Hindi na Nya alintana ang tindi ng sakit, hapdi at kirot ng Kanyang lasog lasog nang katawan mula pa lamang sa paglalatigo sa Kanya ng mga malulupit na Romanong sundalo. Hindi nais ni Hesus na i-short cut ang Kanyang pasakit kaya tinanggihan Nya ang unang alak na inalok sa Kanya -AT- tinanggap naman Nya ang ikalawa, dahil mas pinili Nya na gising na gising SYA, BUONG buo ang Kanyang diwa at kamalayan (full consciousness), buong lakas, galing at tapang NYANG tutuparin ang Kanyang misyon na plano ng pagliligtas para sa sangkatauhan.
Kung hindi sa ginawa ni Hesus sa krus, tayo ngayon ay pag-aari pa rin ni Satanas dahil sa ating mga kasalanan, at maihahalintulad tayo sa mga tupang nakahandang katayin patungo sa kadiliman at walang kamatayang naglalagablab na apoy at asupre sa impyerno.
PRAYER:
Thank You, Jesus! Thank You for Your redemptive works on the cross. We are undeserving of Your saving grace because of our sinfulness yet You still chose to offer Your life and die a horrible death for us so that we may live. Thank You for Your unconditional love for mankind. Hail to You, our King, Redeemer, and Savior, Jesus Christ! WE are eagerly awaiting for Your return😊
Comments
Post a Comment