Posts

Showing posts with the label I Thirst

The Bitter Wine ✍️

Dalawang beses na inalok ng alak si Hesus habang Sya ay nasa krus. Tinanggihan Niya ang una, ngunit tinanggap nya ang ikalawa.  Bakit kaya? Tradisyon ng mga Romano na bigyan ang nasasakdal ng isang alak na may halong narkotikong gamot. Ito ay upang magsilbing anaesthesia or pampamanhid. Layon nitong maibsan ang kirot o hapdi na nararamdaman ng mga taong pinahirapan. Ito ang UNANG alak na inalok kay Hesus. Tinanggihan NYA itong inumin. Bakit? Dahil pinili ni Hesus na damhin at yakapin ang lahat ng sakit, hapdi, sugat at kirot na dinaranas NYA nang buong diwa at  buong malay. Matthew 27:34 - "Ibinigay nila sa Kaniya ang suka na inumin na may apdo, at nang matikman Niya ay hindi Siya uminom".  Mark 15:23: 23 - At Siya'y dinulutan nila ng alak na hinaluan ng mirra: datapuwa't hindi Niya tinanggap .  Sa ikalawang pagkakataon ay inalok ng alak si Hesus habang nakabitin sa krus.. Mark 15:36 - " At tumakbo ang isa, at binasa ng suka ang isang espongha, saka inilagay s...