Mababayaran Mo Ba?✍️

🇵🇭 Sa isang silid aralan...

PROFESSOR:  Kung ang kabayaran ng isang kasalanan ay kamatayan, sino sa inyo dito ang kayang bayaran ng kanyang buhay ang kanyang kasalanan?

STUDENT:  (Nagtaas ng kamay)...Ako po, Sir!🖐️

PROF:  Iho, sigurado ka bang kaya mong bayaran ng buhay mo ang iyong kasalanan?

STUDENT:  (Confident)...Opo, Sir!

PROF:  Maaari mo bang sabihin sa klase kung ano ba ang iyong nagagawang mali o kasalanan?

STUDENT:   Kada po pagsusulit ay nangongopya ako sa aking kaklase. (1)

GURO:  ah, ok, iyan lamang ba? Meron ka pa bang idadagdag?

STUDENT:  Nagsisinungaling rin po ako sa tatay at nanay ko. May mga araw na akala nila pumapasok ako sa eskwela dahil umaalis ako sa bahay ng naka-uniporme pero po ang totoo ay may dala akong pamalit na damit sa aking bag para panglakwatsa sa mall o kaya naman po ay sa internet cafe ako nagpupunta para sa online games po. (2) 

Ang perang baon na binibigay sakin ni Tatay ang ginagamit kong pambayad sa internet cafe o kaya naman ay pinambibili ko ng mga bisyo ko po. (3)

Nagpatuloy ang estudyante sa paglalahad...

Yun nga po, natutunan ko na rin po ang  magbisyo, sigarilyo, alak at nahihilig na po akong manood  ng pornograpiya.(4)

Kinukupitan ko din po ng pera si nanay at madalas pa ay nasisinghalan o nasasagot ko sya ng pabalang kapag pinupuna nya palagi ang ginagawa kong mali(5)

Umuuwi ako sa bahay nang gabi na kasi ang totoo po, iniiwasan ko po ang nanay ko dahil sa paulit ulit na pangangaral sa akin. Kaya sa mga kabarkada ko ako tumatambay. (6)

Isa pa, kaya po gusto ko rin umuwi nang gabi sa bahay kasi po ayaw ko gumawa ng mga gawaing bahay, tinatamad kasi ako maglinis o maghugas ng pinggan. (7)

PROF:  Samakatwid, Iho, hindi lamang iisa ang iyong kasalanan?  Sa bawat araw ay nakagagawa ka ng higit pa sa isang pagkakasala...tama ba ako?

STUDENT:  opo😞

PROF:  Ilan ba ang buhay na mayroon ka, iho?

STUDENT: Isa lamang po.

PROF:  Kung gayon, Iho, paano mo magagawang bayaran ng iyong nag-IISANG buhay lamang ang mga kasalanan mong HIGIT PA SA ISA?

✝️Nobody is able to cover the cost of our sins' penalty. None of us can escape eternal damnation without Jesus since only He possesses the innocent blood that can deliver us from Satan's grip and from the fires of hell. Jesus is our only RANSOM. All your sins' punishment will be paid in full (Tetelestai) if you allow JESUS into your life today. Invite Him now and make Him your Lord and Savior.🙏

Comments

Popular posts from this blog

SEARED CONSCIENCE

Every Gising is a Blessing ✍

The Sheep and The Goat✍️