Ang Patibulum ni Hesus (Lenten Season)✍️
May mga pag-aaral na nagsasabing ang binuhat ni Hesus mula sa palasyo ni Pilato ay hindi talagang krus kundi isang pahalang na putol ng kahoy o troso na kung tawagin ay "patibulum." At ito ay kinuha mula sa isang matibay na bahagi ng puno na tinatawag naman na stipes. Please note na ang tinutukoy ay ang binuhat ni Hesus na kahoy at hindi ang pinagpakuan sa Kanya. Ang patibulum ay katulad sa isang railroad ties o yaong mga hugis-parihaba na suporta para sa mga daang-bakal ng riles ng tren. At karaniwan itong may bigat na nasa pagitan ng 75-125pounds o 34-57kg, katumbas ng isang sako ng bigas. Ang mga lalake ay magagawang magbuhat ng isang sako ng bigas na may 50 kilos ngunit sa kalagayan ni Hesus na pinahirapan nang husto, lasog lasog na ang katawan sa napakaraming sugat na tinamo mula sa hampas at nauubusan na ng dugo, maiisip mo bang kakayanin pa Nya buhatin ang patibulum na yaon?
Ang destinasyon ni Hesus na Golgotha (bundok ng kalbaryo) mula sa palasyo ni Pilato ay tinatayang may layo na dalawang(2) milya. Ayon sa Bibliya ay tinulungan ni Simon of Cyrene si Hesus na buhatin ang Kanyang krus kaya't tinuturing na isang(1) milya na lamang ang nilakad Nya. Magkagayon man, labis na pahirap pa rin kay Hesus ang pagbubuhat ng crossbeam bar na yaon. Kahit pa ang isang lalake na may magandang kalusugan at pangangatawan ay mahihirapan magbuhat ng isang sakong bigas sa layo ng isang milya at may daanang pasikut-sikot at lubak-lubak, paano pa kaya ang isang taong duguan, tadtad ng sugat, at bugbog sa palo?
Comments
Post a Comment