Hematidrosis ni Hesus✍️

Lucas 22:44 - "Sa kanyang matinding paghihirap ay nanalangin Siya ng higit na taimtim, at ang Kanyang pawis ay naging gaya ng malalaking patak ng dugo na tumutulo sa lupa.

Sa apat na ebanghelyo sa Biblia, tanging sa Gospel of Luke lamang nasasaad ang dugong pawis ni Hesus. Ito ay sa kadahilanang si Lucas na naglathala ay may kaalamang medikal sapagkat isa syang doktor/ physician.

May ilang pagaaral na nagsasabing ang pawis ni Hesus ay "animo" lamang na dugo dahil malapot ito ngunit hindi naman talaga aktwal na dugo. Gayunpaman, sa aspetong medikal ay mayroon talagang ganitong isang pambihirang kondisyong tinatawag na "Hematidrosis" kung saan ang pawis ay naglalaman ng dugo. Ang dugong pawis na ito ay nangyayari sanhi ng matinding hirap dala ng pagkabalisa at takot sa aspetong mental, emosyonal, at spiritwal. Sa gayon ay hindi imposible na tunay na dugo ang pawis ni Hesus sapagkat bilang Anak ng Dyos ay detalyadong nalalaman Nya ang Kanyang sasapitin na matinding hapdi, mga sugat at kirot mula sa malulupit na mga tao.

Tunay at totoo, nakiisa, nakipamuhay, nakipamayan sa atin ang Anak ng Diyos. Kagaya ko at katulad mo, Sya ay naging tao. Naranasan ni Hesus ang matinding stress, pamamanglaw, paghihinagpis sa Kanyang isip, puso, at kaluluwa bago pa man Sya dakpin nang gabing iyon sa Garden of Gethsemane. Patunay lamang na isangdaang  porsyento (100%) SYANG naging tao, may laman, may katawan at higit sa lahat, may pakiramdam! Katunayan, kahiman Anak Sya ng Dyos, naiusal Nya ang mga katagang tiyak na masasabi rin ng isang taong nasa bingit ng kamatayan:

"Namamanglaw na lubha ang kaluluwa Ko, hanggang sa kamatayan: mangatira kayo rito, at makipagpuyat sa Akin," sinabi ni HESUS sa kanila --(Mateo 26:38)


Comments

Popular posts from this blog

Every Gising is a Blessing ✍

The Sheep and The Goat✍️

A Sinner and a Saint✍️