Sa PULSO ni Kristo✍️
Nakasanayan nating makita sa mga imahe ni Kristo sa larawan o sa pelikula man na sa bandang palad ng Kamay Sya ipinako.
Ngunit lumalabas sa pag-aaral na ang pinagpakuan sa kamay ni Kristo ay hindi sa palad kundi sa bahaging nasa pagitan ng radius at ulna bones sa pulso at direkta sa median nerve. Ito yung bahagi ng kamay na kapag nasaktan ay nagdudulot ng pinakamatinding kirot sabay ang malubhang pagkawala ng dugo.
Ayon sa Shroud of Turin, si Kristo ay ipinako sa pagitan ng mga buto ng pulso na tinatawag na "Space of Destot" (ang lugar kung saan isinusuot ang relo). Ito raw ang bahagi ng kamay na matibay at may kakayahang suportahan ang bigat ng taong nakabitin sa krus dahil ang mga ligaments sa bahaging ito ay konektado sa walong(8) makakapal na carpal bones at mas higit na matibay kumpara sa mga buto sa palad (metacarpal bones).
Pero bakit sa Bibliya, nakasaad na sa kamay at hindi sa pulso ipinako si Kristo?
John 20:25 25- "Sinabi nga sa kaniya ng ibang mga alagad, Nakita namin ang Panginoon. Nguni't sinabi niya sa kanila, Malibang aking makita sa Kaniyang mga KAMAY ang butas ng mga pako, at maisuot ko ang aking daliri sa butas ng mga pako, at maisuot ko ang aking kamay sa Kaniyang tagiliran, ay hindi ako sasampalataya.
Luke 24:39-40 - "Tingnan ninyo ang Aking mga KAMAY at ang Aking mga paa, Ako rin nga: hipuin ninyo Ako, at tingnan; sapagka't ang isang espiritu'y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa Akin.
Nabanggit ang salitang "kamay" sa Bibliya nang may 1,800 beses, 500 dito ay may literal na kahulugan at ang ibang 1,300 ay figurative sense (o ginawang simbolo lamang ang "kamay.) Gayunpaman, maging literal man na sa "kamay" si Kristo ipinako, hindi rin maisasantabi ang posibilidad na sa pulso talaga. Ngunit maaaring may manindigan na sa palad Sya naipako dahil isang karpintero si Joseph na Kanyang amain, kaya bilang pamilyang karpintero ang kinalakhan Nya, makapal at matigas din ang Kanyang mga palad para doon itulos ang mga pako. Ngunit kung pagninilayan, mga Romanong sundalo na sadyang malupit at walang puso ang nagpahirap kay Kristo kaya kumbinsido ako na sa bahaging pulso Sya pinukpok ng mga pako upang mas mapaigting ang pagpapahirap sa Kanya. Alam tiyak ng mga Romanong sundalo na ang pakong ibabaon sa bandang pulso ng kanilang pinarurusahan ay magdudulot ng matinding sakit sapagkat mas malaking mga litid sa bisig paakyat hanggang sa parteng balikat ang nakakabit dito. Ito ang sanhi kaya si Kristo, habang SYA ay nakabitin sa krus, ay bahagyang itinataas ang Kanyang likurang bahagi para makakuha ng hangin at huminga. Dagdag pa, sa walang habas na pagpapahirap na ginawa ng mga Romanong Sundalo kay Kristo mula sa simula pa lamang na hinagupit nila Sya gamit ang latigo, magagawa pa ba ng mga sundalo sa puntong ito na kaawaan Sya at isiping pagaanin ang pagpaparusa sa Kanya sa pamamagitan ng pagpako sa Kanya sa parteng palad lamang? I don't think so🤔
Comments
Post a Comment