Ang Mga Sugat ni Hesus ✍️

How many lashes did Jesus incur?

Hindi nabanggit sa Bibliya specifically kung ilan ang natanggap na palo o hampas ni Hesus. Gayunpaman sa Deuteronomy 25:3 at 2 Corinthians 11:24 ay nakasaad na 39 na hampas ang ibinibigay sa isang nahatulan, na dinaragdagan ng isa pang palo (39+1) ng mga Romanong sundalo upang masiguro na ang kinakailangang 40 lashes pa rin ang kanilang nagawa  kung sakali mang may nagmintis o sumablay silang palo/hampas. Ngunit kung isipin, ang flagrum or latigo na ginamit kay Hesus ay may tatlo nang metal sa dulo. Samakatwid, ang bawat isang hampas kay Hesus ay katumbas na ng times 3 na sugat sa Kanyang katawan (39 x 3 =117 stripes?!😳 -conservative estimate at talagang labis na bilang na yan ng sugat. Yet it is further believed na higit pa dyan ang bilang ng sugat na tinamo ni Hesus sapagkat hindi naman mga Hudyo ang nagparusa kay Hesus kundi mga sundalong ROMANO na sadyang matatapang at malulupit, walang habas kung maglatigo hanggang sa malasog na ang katawan ng biktima. Idagdag pa, professional floggers/scourgers ang mga naatasang mamalo, sinanay sa pagkamatigas ng puso, sadyang mga walang awa, galit ang nadarama, may layong sukdulang pahirapan ang taong pinarurusahan. Kaya hindi na nakapagtataka kung wala nang naka-aabot pa sa parte ng crucifixion dahil
sa labis na sakit, hirap, hapdi at kirot sa paglalatigo pa lamang ay nangamamatay na ang mga tao.

Let me give you a picture experiment so you can imagine the back of Jesus with stripes. Kumuha ng tatlong(3) pentel pen and hold them together using a scotch tape.  Get a long folder (as the back of Jesus). Then using the three pentel pens, write a 'slash' into the folder 39 times...Ano nang itsura ng folder? Ganyan po ang likurang bahagi ni Hesus.

What is saddening is the fact that Jesus isn't a criminal to deserve this punishment. Lahat nang ginawa ni Hesus ay para sa kapakinabangan ng mga tao, dala ng pag-ibig Nya sa atin.  Ginawa Nyang  pagalingin ang mga maysakit, pinakain Nya ang mga nagugutom, pinalaya Nya ang mga inaalipin ng demonyo, gumawa Sya ng maraming mga himala, lahat ay para sa kapakanan ng mga tao.

Imagine loved one in Jesus' position,who did nothing wrong but only acted ieveryone's best interests and is in   this horrific situation  How bad is that? How would you feel?

Bago pa maganap ang lahat ng pagpapahirap na ito kay Hesus ay nai-propesiya na ito sa libro ni Isaiah: “He was wounded for our transgressions, he was bruised for our iniquities: the chastisement of our peace was upon him; and WITH HIS STRIPES WE ARE HEALED” (Isaiah 53:5). The “stripes” referred to in this prophecy are a direct reference to the lashes that Jesus received.

Glory to Jesus, our Savior!


Comments

Popular posts from this blog

A Sinner and a Saint✍️

Ang Patibulum ni Hesus (Lenten Season)✍️